TOP > PHI-TOP > Mga Halimbawa sa Konsultasyon > Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay  Internasyonal na palitan
Pagtatrabaho Mga buwis Insurance / Mga Pension Medikal na Pangangalaga / Kapakanan Pabahay
Kasal / Diborsiyo Panganganak Edukasyon Pagmamaneho Ibang impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Maaari ko bang ilipat ang lisensiya ng pagmamaneho na nakuha ko sa aking bansa sa isa sa Hapon?

Maaari kabg kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho sa Japan kapag napunan mo ang sumusunod na mga kundisyon. Mangyaring dalhin ang mga kailangang dokumento at mag-apply para dito sa Aichi Prefecture Driver’s License Examination Center (Hirabari) o Higashi-Mikawa Driver’s License Center.

  1. Mayroon kang opisyal na lisensiya ng pagmamaneho na balido sa bansang pinagbigyan.
  2. Nanatili ka sa bansa ng pagbigay nang tatlong buwan o higit pa matapos kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho.

Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Lisensiya ng pagmamaneho na binigay sa ibayong-dagat (at ID kung kailangan itong dalhin kasama ng lisensiya sa pagmamaneho)
  2. Pagsasalin sa Hapon ng lisensiya sa pagmamaneho na ibinigay sa ibayong dagat (dapat isalin ng administratibo o consular na tanggapan ng bansa na nagbigay o ng Japan Automobile Federation (JAF))
  3. Lahat ng pasaporte (kuma at bago) na may petsa ng pag-alis at pagpasok na nakatatak (kung marami kang pasaporte, lahat ito)
  4. Card ng Paninirahan
  5. Sertipiko ng Paninirahan sa Aichi Prefecture na may pagbanggit sa nasyonalidad (o nakarehistrong tirahan) (hindi tatanggapin ang kopya)
  6. 1 litrato (W 2.4 cm x H 3 cm. Kinunan sa nakaraang anim na buwan. Walang sumbrero (maliban sa pangrelihiyon o medikal na takip sa ulo na nagpapakita sa balangkas ng mukha). Nakaharap at kasama lang ang itaas ng dibdib. Plain na background.)
  7. Japanese na lisensiya sa pagmamaneho
    • Isang balidong Japanese na lisensiya sa pagmamaneho na kasalukuyang mayroon ka, kung mayroon man
    • Isang Japanese na lisensiya sa pagmamaneho na mayroon ka dati, kung mayroon man
  8. Iba pa
    • Tala sa pagmamaneho o sertipiko ng paninirahan sa bansa ng lisensiya sa pagmamaneho mo ay maaaring kailangan.
    • Depende sa bansa o sitwasyon ng pagbibigay, ang mga ibang dokumento ay maaaring kailangan.

*Fara sa higit pang impormasyon, mangyaring kontakin ang Aichi Prefecture Driver’s License Examination Center (Hirabari) (TEL: 052-802-3211) o Higashi-Mikawa Driver’s License Center (TEL: 0533-85-7181).

Matapos ang eksaminasyon ng mga dokumento sa itaas, aatasan kang pumasa ng pagsusulit sa kakayahan, pagsusulit sa kaalaman sa mga patakarans a trapiko at pagsusulit sa kakayahan sa pagmamaneho (sa pagkakasunod-sunod na ito).

Ang pagsusulit sa kaalaman sa mga patakaran sa trapiko ay maaaring kunin sa Hapon (na mauuna ang hiragana sa kanji na salita), Portuges, Espanyol, Ingles, Tsino, Koreyano, Persian, atbp. Kapag nakapasa ka sa pagsusulit sa kakayahan sa pagmamaheno, ang lisensiya sa pagmamaneho ay ibibigay sa araw ding iyon.

Bumalik sa tuktok

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION