TOP > PHI-TOP > Mga Halimbawa sa Konsultasyon > Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay  Internasyonal na palitan
Pagtatrabaho Mga buwis Insurance / Mga Pension Medikal na Pangangalaga / Kapakanan Pabahay
Kasal / Diborsiyo Panganganak Edukasyon Pagmamaneho Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Ano ang pamamaraan sa pagpapakasal sa pagitan ng Hapong nasyonal at banyagang nasyonal?

Sa kasong ito, kailangan mong sundin ang pamamaraan sa kasal sa Japan.

Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Abiso ng Kasal (nilagdaan at sinelyuhan ng dalawang saksi na nasa edad na 20 o mas matanda)
  2. Rehistro ng Pamilya ng asawang Hapon
  3. Sertipiko ng Walang Balakid sa Kasal ng banyagang asawa, na may pagsasaling Hapon
  4. Katibayan ng pagkamamamayan ng banyagang asawa (pasaporte, Sertipiko ng Mga Usapin sa Tala ng Pagpaparehistro ng Alien, atbp.)

Ang Sertipiko ng Walang Balakid sa Kasal ay karaniwang ibinibigay ng embahadya ng bansa ng banyagang asawa sa Japan, pero may ilang hindi kasama. How this is handled, however, differs from one country to another. You must confirm, therefore, the circumstance for each country.

Ang mga dokumento sa banyagang wika ay dapat ilaan nang may pagsasalin, kasama ang pangalan ng tagapagsaling-wika.

Kailangan mong isumite ang mga dokumento sa itaas sa munisipal na tanggapan ng nakarehistrong tirahan o lugar ng tirahan ng asawang Hapon o lugar ng tirahan ng dayuhang asawa. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang inyong tanggapang munisipal.

Kailangan niyo ring iulat ang pagkakasal sa embahadya o konsulado ng bansa ng dayuhang asawa sa Japan.

Bumalik sa tuktok

Ano ang pamamaraan sa pagpapakasal sa pagitan ng mga banyagang nasyonal na nakatira sa Japan?

In this case, you must follow the Japanese official way of proceeding with a marriage. Sa ganitong kaso, maaari mong sundin ang pamamaraan sa pagpapakasal sa Japan at irehistro ang kasal niyo sa tanggapang munisipal.
Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Abiso ng Kasal (nilagdaan at sinelyuhan ng dalawang saksi na nasa edad na 20 o mas matanda)
  2. Sertipiko ng Walang Balakid sa Kasal ng dalawang mag-asawa,na may pagsasaling Hapon
  3. Katibayan ng pagkamamamayan ng dalawang mag-asawa (pasaporte, Sertipiko ng Mga Usapin sa Tala ng Pagpaparehistro ng Alien, atbp.)

Ang Sertipiko ng Walang Balakid sa Kasal ay karaniwang ibinibigay ng embahadya ng bansa ng banyagang asawa sa Japan, pero may ilang hindi kasama. How this is handled, however, differs from one country to another. You must confirm, therefore, the circumstance for each country.

Ang mga dokumento sa banyagang wika ay dapat ilaan nang may pagsasalin, kasama ang pangalan ng tagapagsaling-wika.

Ang pagkabalido ng kasal na nakarehistro sa Japan ay iba-iba ayon sa bansa, kaya kumpirmahin sa embahadya ng iyong bansa sa Japan. You must refer this issue to your country’s embassy in Japan.


[Mga namamahalang batas patungkol sa pag-aasawa at diborsiyo]Ang mga batas patungkol sa diborsiyo ay iba-iba ayon sa bansa. Ang mga namamahalang batas para sa mga internasyonal na magkapareha ay nadedetermina ayon sa sumusunod.

  1. Kung ang dalawang mag-asawa ay pareho ang nasyonalidad → ang mga batas ng bansang iyon
  2. Kung ang mga mag-asawa ay may magkaibang nasyonalidad pero nakatira sa parehong bansa → ang mga batas ng bansang tinitirhan
  3. Kung ang mga mag-asawa ay may magkaibang nasyonalidad at nakatira sa magkaibang bansa → ang mga batas ng bansang pinakamalapit na kaugnay sa magkapareha
Kung ang asawa ay nasyonal ng Japan at ang magkapareha ay nakatira sa Japan, may prayoridad ang mga batas na Japanese.

Bumalik sa tuktok

Kasalukuyan akong naninirahan nang ilegal sa Japan. Maaari ba akong magpakasal sa dine-date kong Hapong nasyonal?

Kung matutugunan mo ang mga inaatas para sa pag-aasawa, maaari kayong magpakasal anuman ang katayuan ng paninirahan niyo. Ang pagkakaroon ng katayuan ng paninirahan ay hindi kailangan para sa kasal. Subalit, kailangan niyong ihanda ang lahat ng kailangang dokumento. Ang katotohanan ng pagpapakasal ay hindi awtomatikong magbibigay sa inyo ng katayuan ng paninirahan. Para magkaroon ng matatag na buhay sa pag-aasawa, kailangan mong lutasin ang sobrang pananatili mo Pakitandaan din na maaaring hindi ka pahintulutang manatili sa Japan kahit na kasal ka.

Bumalik sa tuktok

Ako ay isang banyagang nasyonal na kinasal sa isang Hapon tatlong taon ang nakalipas at nakatira sa Japan. Paano ako makakakuha ng diborsiyo? What can I do?

Sa Japan, maaari kang (1) magdiborsyo sa pamamagitan ng kapwang kasunduan, (2) mag-diborsyo sa pamamagitan ng pamamagitan o (3) mag-diborsyo sa pamamagitan ng paghatol sa isang korte. Subalit, sa kaso ng internasyonal na kasal, ang mga namamahalang batas ay maaarign hindi magpahintulot sa diborsiyo ayon sa kapwang kasunduan.

Sinasaad ng mga batas na ang mga batas ng Japan ay mailalapat kung ang isa sa mag-asawa ay mamamayan ng Japan na may permanenteng address sa Japan (sa pagsasagawa, sapat na ang pakakarehistro bilang residente sa rehistro ng pamilya).

Samakatuwid, ang Kodigo Sibil ng Japan ay nalalapat sa nabanggit na kaso, at maaari kang makakuha ng diborsyo sa pamamagitan ng kapwang kasunduan sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga sumusunod na dokumento sa munisipyo ng iyong lugar ng paninirahan o nakarehistrong tirahan. Submit following documents to the municipal office presiding over your residence or the municipal office presiding you or your partner's domicile of orgin.

  1. Abiso ng Diborsiyo (nilagdaan at sinelyuhan ng dalawang saksi na nasa edad na 20 o mas matanda)
  2. Rehistro ng Pamilya
  3. ID ng tao na nagsusumite sa mga dokumento sa itaas (pasaporte, atbp.)

Para magdiborsiyo sa paghusga ng korte, kailangan mo munang magsampa sa pamamagitan sa korte ng pamilya. Kapag tinapos ang pamamagitan, pinal na ang diborsiyo.

Bumalik sa tuktok

Kasal kaming magkapareha na pareho ang nasyonalidad na nakatira sa Japan. Paano kami makakakuha ng diborsiyo?

Kung ang dalawang mag-asawa ay banyagang mamamayan, kailangan niyong magdiborsiyo ayon sa mga batas ng inyong bansa. Mangyaring kontakin ang embahadya o konsulado ng bansa mo sa Japan.

Kung ang mga batas ng bansa mo ay nagpapahintulot sa diborsiyo ayon sa kapwang kasunduan, maaari kang magsampa ng Abiso ng Diborsiyo ayon sa Kapwang Kasunduan sa Japan. Ang mga dokumentong isusumite ay ang sumusunod.

  1. Katibayan ng pagkamamamayan
  2. (Mga) dokumentong nagpapatunay sa kasal mo
  3. Katibayan na pinahihintulutan ang diborsiyo ng kapwang kasunduan sa ilalim ng batas ng Japan

Bumalik sa tuktok

Diniborisyo ko ang aking asawang Hapon. Kailangan ko bang palitan ang aking katayuan ng paninirahan mula “Asawa o Anak ng Japanese na Nasyonal”? Do I have to change my status of residence?

Kahit na diborsiyado ka, maaari kang manatili sa Japan hanggang sa pagtatapos ng panahon ng pananatili mo.

Subalit, hindi mo mare-renew ang iyong katayuan ng paninirahan mula “Asawa o Anak ng Japanese na Nasyonal”. Kung nais mong magpatuloy na manatili sa Japan, kailangan mong mag-apply para sa pagbabago ng katayuan ng paninirahan (halimbawa, sa Pagpalit ng katayuan ng tirahan) sa rehiyonal na imigrasyong bureau sa lugar niyo.

Ang nasabing pagbabago ng paninirahan ay maaaring aprubahan kung nakatira ka na sa Japan ng maraming taon o kung nagpapalaki ka ng Japanese na anak.

Para sa higit pang impormasyon, mangyaring kontakin ang Nagoya Regional Immigration Bureau o Immigration Information Center.

Bumalik sa tuktok

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION