TOP > PHI-TOP > Mga Halimbawa sa Konsultasyon > Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay  Internasyonal na palitan
Pagtatrabaho Mga buwis Insurance / Mga Pension Medikal na Pangangalaga / Kapakanan Pabahay
Kasal / Diborsiyo Panganganak Edukasyon Pagmamaneho Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Kailangan din bang magbayad ng buwis ng mga banyagang manggagawa? Kung gayon, anong klase ng mga buwis ang kailangan nilang bayaran?

Kung nagtatrabaho ka sa Japan, dapat kang magbayad ng buwis sa kita (ipapataw sa personal mong kita tulad ng suweldo) at buwis sa paninirahan (ang prefectural na buwis na ipinapataw ng inyong prefecture + ang munisipal na buwis na pinapataw ng inyong munisipalidad). Para ito sa lahat anumang ang pagkamamamayan.

Ang munisipal na buwis ay babayaran sa munisipalidad kung saan ka tumira sa Enero 1 ng kasalukuyang taon. Ang mga banyagang estudyante ay dapat ding magbayad ng buwis sa kinikita nila sa mga part-time na trabaho.

Para sa karagdagang impormasyon sa buwis sa kita, mangyaring kontakin ang tanggapan ng buwis na malapit sa iyo. Para sa buwis sa paninirahan, mangyaring kontakin ang Seksiyon ng Buwis ng inyong tanggapang munisipal.

Bumalik sa tuktok

Hindi ako binibigyan ng kompanya ko ng tax withholding slip kahit na humingi ako.

Ang bawat kompanya ay may obligasyong magbigay ng mga withholding slip ng buwis sa mga empleyado nito. Kapag hindi nagbigay ang kompanya niyo ng withholding slip ng buwis, maaari kayong magsumite ng Abiso sa Hindi Pagbibigay ng Withholding Slip ng Buwis sa tanggapan ng buwis.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang tanggapan ng buwis na malapit sa iyo.

Bumalik sa tuktok

Lumipat ako sa bagong address sa taong ito, pero nakatanggap ako ng abiso sa pagbabayad ng buwis mula sa dati kong munisipalidad. Bakit ganito?

Ang buwis ng paninirahan ay ibabayad sa munisipalidad kung saan ka tumira ng Enero 1 ng kasalukuyang taon, depende sa kita mo mula Enero hanggang Disyembro ng nakaraang taon.

Dapat mong bayaran ang halagang inabiso ng munisipalidad sa isa sa mga sumusunod na paraan.

  1. Ang kompanya mo ay gagawa ng mga buwanang bayad mula sa sahod mo mula Hunyo hanggang Mayo ng susunod na taon sa ngalan mo.
  2. Pesonal kang magbabayad ng buwis gamit ang mga slip ng bayad na pinadala ng munisipalidad.

Kapag umalis ka sa kompanya mo bago mo makumpleto ang bayad o kung may kita ka maliban sa kinita mo sa kompanya, kailangan mong magbayad gamit ang mga slip ng pagbabayad. Also, if you have earned income other than salaries, you must pay the municipal tax on that income using payment slips.

Bumalik sa tuktok

Babalik ako sa aking bansa sa Nobyembre, kaya hindi ko makukuha ang mga dokumento ko para sa pag-aayos ng buwis sa pagtatapos ng taon sa aking kompanya. Ano ang dapat kong gawin?

Maaari kang magsampa ng return ng buwis sa inyong lokal na tanggapan ng buwis bago bumalik sa bansa niyo at magtalaga ng proxy para makatanggap ng refund ng buwis o magtalaga ng ahente ng buwis at ipagkatiwala ang lahat ng pamamaraan sa return ng buwis. In such case, you can appoint either a proxy who is entrusted only with receipt of your tax refund after your departure from Japan, or a tax agent who is entrusted with all taxation matters after your departure.

Ang ahente ng buwis at maaaring sinumang may address sa Japan at makakabayad ng mga buwis o makakatanggap ng mga refund ng buwis. Para magtalaga, kailangan mong magsampa ng Abiso sa Ahente ng Buwis sa lokal mong tanggapan.

Matapos mong isampa ang abiso, lahat ng dokumentong kaugnay ng buwis ay ipadadala sa inyong ahente ng buwis na magsasampa ng mga return ng buwis, magbabayad ng buwis o makakatanggap ng mga refund ng buwis sa ngalan mo.

Bumalik sa tuktok

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION