TOP > PHI-TOP > Mga Halimbawa sa Konsultasyon > Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay  Internasyonal na palitan
Pagtatrabaho Mga buwis Insurance / Mga Pension Medikal na Pangangalaga / Kapakanan Pabahay
Kasal / Diborsiyo Panganganak Edukasyon Pagmamaneho Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Naghahanap ako ng trabaho.

Maaari kang maghanap ng trabaho sa mga diyaryo, atbp., o sa Nagoya Employment Service Center for Foreigners o Hello Work. Habang bumibisita sa mga sentrong ito, kailangan mong ipakita ang pasaporte mo at Card ng Paninirahan para kumpirmahin ang katayuan ng paninirahan mo at panahon ng pananatili.

Maaari mo ring tingnan ang mga alok sa trabaho sa website ng Hello Work. The website address is: https://www.hellowork.mhlw.go.jp/member/mem_top.html

Bumalik sa tuktok

Paano makakahanap ng impormasyon para makakuha ng trabaho sa Japan ang banyagang estudyante?

Maaari mong kontakin ang Tanggapan ng Internasyonal na Estudyante o Tanggapan ng Recruitment sa unibersidad mo.

Maaari mo ring tingnan ang mga magasin ng impormasyon sa pag-recruit o bumisita sa mga seminar ng pag-recruit para sa mga banyagang estudyante. Matutulungan ka rin ng Nagoya Employment Service Center for Foreigners.

Nagoya Employment Service Center for Foreigners https://jsite.mhlw.go.jp/aichi-foreigner/

Bumalik sa tuktok

Ako ay banyagang estudyante. Maaari ba akong magtrabaho nang part-time?

Para magtrabaho nang part-time, kailangan mong kumuha ng Pahintulot na Maugnay sa Aktibidad na Maliban sa Pinahihintulutan sa Ilalim ng Katayuan ng Paninirahan na Dating Naibigay. Maaari kang magtrabaho nang part-time hanggang 28 oras bawat linggo (hanggang 8 oras sa pangmatagalang akademikong bakasyon).

Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Aplikasyon para sa Phintulot na Maugnay sa Aktibidad Maliban sa Pinahihintulutan sa Ilalim ng Katayuan ng Paninirahan na Dating Naibigay (makukuha sa mga rehiyonal na bureau ng imigrasyon)
  2. (Mga) dokumento na naglilinaw sa aktibidad na pahihintulutan (hindi kailangan kung ang katayuan ng paninirahan mo ay “Estudyante,” “Umaasa” o “Mga Designadong Aktibidad” (sa ilang kaso) at nag-a-apply ka sa komprehensibong pahintulot)
  3. Card ng Paninirahan
  4. Pasaporte

Ang pamamaraan ay gagawin sa Rehiyonal na Bureau ng Imigrasyon ng Nagoya. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring kontakin ang Nagoya Regional Immigration Bureau o Immigration Information Center.

Bumalik sa tuktok

Napinsala ako sa trabaho. Nararapat na ako sa Industriyal na Insurance na Bayad sa Aksidente?

Maaaring bayaran ang mga banyagang manggagawa (kasama ang mga ilegal na trabahadot) sa ilalim ng Insurance para sa Bayad sa Industriyal na Aksidente.

Sinasaklawan ng Insurance para sa Bayad sa Industriyal na Aksidente ang pagkakasakit, pinsala, kapansanan at pagkamatay sa trabaho o pag-commute. Ang bawat kompanya na nag-e-empleyo ng isang manggagawa mang lang ay may obligasyong sumali sa Insurance para sa Bayad sa Industriyal na Aksidente. Kung tumanggi ang kompanya mong ipatupad ng insurance sa iyo, mangyaring kontakin ang Tanggapan ng Inspeksiyon ng Mga Pamantayan sa Pagtatrabaho na namumuno sa kompanya niyo o sa Konsultasyong Serbisyo para sa Mga Banyagang Manggagawa sa Aichi Labour Bureau.


Konsultasyong Serbisyo para sa Mga Banyagang Manggagawa
Inspection Division, Labour Standards Department, Aichi Labour Bureau
TEL 052-972-0253
Wika Portuges (Martes–Biyernes), Ingles (Martes, Huwebes)
Oras 9:30–12:00, 13:00–16:00

Toyohashi Labour Standards Inspection Office
TEL 0532-54-1192
Wika Portuges (Martes, Huwebes)
Oras 9:30–12:00, 13:00–16:00

Kariya Labour Standards Inspection Office
TEL 0566-21-4885
Wika Portuges (Lunes, Huwebes)
Oras 9:30–12:00, 13:00–16:00

Nagoya-Nishi Labour Standards Inspection Office
TEL 052-481-9533
Wika Vietnamese (Huwebes)
Oras 9:30–12:00, 13:00–16:00

Bumalik sa tuktok

Ano ang Insurance sa Pagtatrabaho? Nararapat ba ako para dito?

Naglalayon ang Insurance sa Pag-empleyo na patatagin ang pagka-empleyo ng mga trabahador at magbigay ng benepisyo sa kawalan ng trabaho sa mga walang trabahong manggagawa para madala sila sa matatag na buhay at makahanap ng bagong trabaho.

Obligasyon ito para kaninomang nagtatrabaho sa establisimiyento ng negosyo sa Japan, kasama ang mga banyagang nasyonal. Foreign workers are no exception. Subalit, hindi ito para sa mga panandaliang trabahador kasama ang mga part-timer na nagtatrabaho nang wala pang 20 oras bawat linggo.

Ibinibigay ang card ng insurance sa pamamagitan ng employer.

Kasama sa Insurance sa Patatrabaho ang mga basic na benepisyo na nilalaan sa 90–360 araw matapos kang umalis sa trabaho mo. Ang pamamaraan sa mga benepisyong ito ay makukuha matapos kang umalis sa trabaho mo.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang tanggapan ng Hello Work na malapit sa iyo.

Bumalik sa tuktok

Nabangkarote ang pinagtatrabahuhan kong kompanya. Hindi ako nakatanggap ng isang buwang sahod. Ano ang dapat kong gawin?

Ang sahod ang pinakamahalagang bagay para sa trabahador. Sa Kodigo Sibil, ang mga paghabol sa hindi bayad na sahod ay inuuna sa mga ibang paghabol.

Kung hindi mo natanggap ang sahod mo, maaari mong konsultahin ang Tanggapan ng Inspeksiyon ng Pamantayan sa Pagtatrabaho na namumuno sa kompanya niyo. Kung hindi kayo nagsasalita ng Hapon, maaari kayong samahan ng tao na nakakaunawa sa Hapon.

Ang sumusunod na mga Tanggapan ng Inspeksiyon ng Pamantayan sa Pagtatrabaho ay nagbibigay ng konsultasyon sa maramihang wika.


Konsultasyong Serbisyo para sa Mga Banyagang Manggagawa

Inspection Division, Labour Standards Department, Aichi Labour Bureau

TEL 052-972-0253
Wika Portuges (Martes–Biyernes), Ingles (Martes, Huwebes)
Oras 9:30–12:00, 13:00–16:00

Toyohashi Labour Standards Inspection Office
TEL 0532-54-1192
Wika Portuges (Martes, Huwebes)
Oras 9:30–12:00, 13:00–16:00

Kariya Labour Standards Inspection Office
TEL 0566-21-4885
Wika Portuges (Lunes, Huwebes)
Oras 9:30–12:00, 13:00–16:00

Nagoya-Nishi Labour Standards Inspection Office
TEL 052-481-9533
Wika Vietnamese (Huwebes)
Oras 9:30–12:00, 13:00–16:00

Bumalik sa tuktok

Bigla akong inalis ng pinagtatrabahuhan kong kompanya. Ano ang dapat kong gawin?

Sinasaad ng Labour Standards Act na, kapag pinaaalis ang trabahador, dapat abisuhan ang trabahador sa pagpapaalis nang hindi bababa sa 30 araw bago ang petsa ng pagpapaalis sa prinsipyo.

Kung hindi ito magawa ng kompanya, inaatasan itong magbayad ng allowance sa pagpapaalis.

Maaaring hindi patas ang ilang dahilan sa pagpapaalis. Kung may anumang alalahanin ka, mangyaring kontakin ang Tanggapan ng Inspeksiyon ng Mga Pamantayan sa Pagtatrabaho na namumuno sa kompanya niyo o sa Konsultasyong Serbisyo para sa Mga Banyagang Manggagawa sa Aichi Labour Bureau.

Pakitandaan din na kung hindi ka pumasok sa trabaho nang walang abiso o nakatanggap ng allowance sa pagpapaalis o bayad sa pagtanggal matapos abisuhan sa pagpapaalis, ituturing na tinanggap mo ang pagpapapalis.

Bumalik sa tuktok

Inalis ako ng kompanya kung saan tatlong taon na ako nagtatrabaho. Paano ako makakatanggap ng mga benepisyo sa kawalan ng pagkaka-empleyo?

Kapag umalis sa kompanyang Japanese sa personal na kadahilanan o pagpapaalis, ang mga banyagang trabahador ay maaaring makatanggap ng mga benepisyo sa kawalan ng trabaho kung mapunan nila ang mga sumusunod na kundisyon at inaprubahan ng Hello Work.

Subalit, ang Insurance sa Pagtatrabaho ay hindi sasaklawa sa mga na ang katayuan ng paninirahan ay “Pansamantalang Bisita” o “Intra-Company Transferee.”

<Mga Kundisyon>

  1. Nasaklawan ka ng Insurance sa Trabaho ng hindi bababa sa labingdalawang buwan sa dalawang taon bago ang petsa ng pagtigil sa trabaho (sa kaso ng pagkabangkarote, pagpapaalis o pagtatapos ng kontrata sa pagtatrabaho, hindi bababa sa anim na buwan sa taon bago ang petsa ng pagtigil sa trabaho) .
  2. Napatunayan mo na wala ka nang insurance dahil umalis ka sa trabaho mo.
  3. Hindi ka makahanap ng trabaho kahit na gusto mong magtrabaho.

Para matanggap ang mga benepisyo sa pagkawala ng trabaho, kailangan mong magparehistro bilang naghahanap ng trabaho sa Hello Work, at matapos maging kuwalipikado sa mga benepisyo, pumunta sa Hello Work sa mga designadong araw (tuwing 28 araw).

Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Abiso sa Paghiwalay–1 at 2 (Binigay ng employer matapos ka mawalang ng trabaho)
  2. Isang dokumentong nagpapatunay sa iyong Aking Numero (Aking Numero na Card, Abisong Card, o Sertipiko ng Paninirahan na may Aking Numero)
  3. ID (Aking Numero na Card, Tirahang Card, atbp.)
  4. 2 litrato (3 cm x 2.5 cm)
  5. Ordinaryong savings account na nibrong nakapangalan sa iyo
  6. Seal (o nakasulat-kamay na lagda)

Bumalik sa tuktok

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION