TOP > PHI-TOP > Mga Halimbawa sa Konsultasyon > Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay  Internasyonal na palitan
Pagtatrabaho Mga buwis Insurance / Mga Pension Medikal na Pangangalaga / Kapakanan Pabahay
Kasal / Diborsiyo Panganganak Edukasyon Pagmamaneho Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Malapit na akong manganak. Magkano ito aabutin? Mayroon bang anumang mga allowance sa panganganak?

Ang normal na panganganak ay hindi nasasaklawan ng Pambansang Pangkalusugang Insurance at nagkakahalaga ng 300,000–400,000 yen. (Ang abnormal na panganganak ay sinasaklawan ng Pambansang Pangkalusugang Insurance.)

Dapat mong bayaran ang buong gastos sa panganganak sa medikal na institusyon. Kung ikaw ay subscriber ng Pambansang Pangkalusugang Insurance o Social Insurance (o asawa ng subscriber), isang bahagi ng mga gastos na ito ay ire-refund sa ibang pagkakataon (bilang Childbirth Lump-Sum Allowance, atbp.).

Para matanggap ang refund, kailangan mong iulat ang iyong subscription sa Pambansang Pangkalusugang Insurance sa lokal na munisipal na tanggapan. Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Seal
  2. Handbook ng Kalisugan ng Ina at Anak
  3. Card ng Insurance
  4. Numero ng account sa bangko
  5. Resibo para sa pinakahuling bayad ng premium ng Pambansang Pangkalusugang Insurance

Kung naka-subscribe ka sa Social Insurance, iuulat ito ng kompanya mo para sa iyo.

Kung hindi mo mahahanda ang mga gasto sa panganganak dahil sa kahirapan sa pananalapi, maaari kang maging karapat-dapat para sa pagbubukod ng mga medikal na singil para sa ina at anak sa panahon ng pagkaka-ospital o diskuwento sa mga gastos sa panganganak sa isang ospital na itinalaga ng iyong munisipalidad. Mangyaring mag-apply para dito sa isang tanggapan ng panlipunang welfare na malapit sa inyo. Makukuha ang sistemang ito ninoman anuman ang nasyonalidad o katayuan sa paninirahan.

Ang Childbirth Lump-Sum na Allowance ay maaari ring mabayaran nang direkta sa institusyong medikal ng lokal na munisipalidad o ang insurer (lokal a asosasyon ng pangkalusugang insurance ng Japan Health Insurance Association), upang ang mga subscriber sa National Health Insurance o iba pang insurance sa kalusugan ay hindi kailangang maghanda ng isang malaking halaga para sa panganganak.

Bumalik sa tuktok

Saan at paano ako makakakuha ng Handbook sa Kalusugan ng Ina at Anak?

Maaari kang magsumite ng Abiso sa Pagbubuntis sa sentro ng kalusugan (Public Health Center sa Nagoya, Okazaki, Toyota at Toyohashi) sa inyong munisipalidad para makakuha ng libreng Handbook ng Kalusugan ng Ina at Anak.

Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Abiso sa Pagbubuntis (makukuha sa mga klinika ng pagbubuntis at mga sentro ng kalusugan)
  2. Sertipiko ng Pagpaparehistro ng Alien
  3. Seal

Sa Handbook ng Kalusugan ng Ina at Anak, makakakuha ka ng iba’t ibang pampublikong serbisyo tulad ng pagpapatingin sa kalusugan bago at makalipas manganak para sa mga ina at mga anak, pati na ang mga klase na edukasyon sa panganganak. Maaari ka ring kumonsulta sa mga pampublikong kalusugang nurse.

Makukuha ito ninoman anuman ang nasyonalidad, pagpaparehistro bilang alien o katayuan sa paninirahan.

Makukuha mo ito kahit na labis na ang pananatili mo; hindi mo kailangang ipakita ang iyong pasaporte o mag-alala na maulat sa Bureau ng Imigrasyon. Therefore, even if you are overstaying your visa, you can be issued with a copy of the Handbook. Maaari ka ring bumili ng Handbook ng Kalusugan ng Ina at Anak sa banyagang wika (Mothers' and Children's Health Organization Co., Ltd.).

Bumalik sa tuktok

Magkapareha kaming nakatira sa Japan na may visa sa pagtatrabaho. Anong pamamaraan ang kailangan naming sundan para sa aming bagong panganak na sanggol?

Ang nasyonalidad ng batang pinanganak sa Japan ay depende sa nasyonalidad ng ama o ina.

Kung ang ama at ina ay banyagang nasyonal, ang bata ay tinuturing na banyagang nasyonal, at ang sumusunod na pamamaraan ay kailangan.

  1. Abisuhan ang munisipalidad mo sa panganganak sa loob ng 14 na araw makalipas ang panganganak.

    Kailangan mong isumite ang sumusunod na dokumento.
    a. Abiso sa Panganganak (nilaan sa munisipal na tanggapan o ospital)
    b. Sertipiko ng Panganganak (pinatotohanan ng inyong doktor o komadrona sa Abiso ng Panganganak sa panganganak)
    c. Seal (o nakasulat na lagda) ng taong nagsusumite ng abiso d. Handbook ng Kalisugan ng Ina at Anak e. Pambansang Card ng Pangkalusugang Insurance (kung subscriber ka)

  2. Abisuhan ang embahadya o konsulado ng bansa ng bata sa Japan at may pasaporteng ibinigay para sa bata.
  3. Mag-apply para sa katayuan ng tirahan sa rehiyonal na imigrasyong bureau sa loob ng 30 araw makalipas ang panganganak. Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.
    a. Aplikasyon sa Sertipiko ng Pagiging Nararapat (2 kopya) b. (Mga) dokumento na nagpapatunay sa panganganak c. Mga pasaporte ng ama at ina d. Mga Card ng Paninirahan ng ama at ina

Bumalik sa tuktok

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION