Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay Internasyonal na palitan
Pag-renew ng panahon ng pananatili Pagpalit ng katayuan ng tirahan Pasaporte Card ng Paninirahan Pansamantalang pagbalik
Permanenteng paninirahan Naturalisasyon

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Paano ko mare-renew ang panahon ng pananatili ko?

Para i-renew ang panahon ng pananatili mo, kailangan ang mga sumusunod na dokumento.

  1. Aplikasyon sa Pagpapalawig ng Panahon ng Pananatili (may form sa mga rehiyonal na imigrasyong bureau)
  2. 1 litrato (W 3 cm x H 4 cm. Dapat mag-isa sa litrato ang aplikante. Kinunan sa nakaraang tatlong buwan. Walang sumbrero. Plain na background. Hindi kailangan kung mas bata ka sa 16 taong gulang.)
  3. Mga dokumentong nagpapatunay sa aktibidad mo sa Japan (depende sa katayuan ng paninirahan mo)
    (Halimbawa) Liham ng Garantiya (para sa Asawa o Anak ng Hapong Nasyonal, Asawa o Anak ng Permanenteng Residente o Pangmatagalang Residente)
  4. Card ng Paninirahan
  5. Pasaporte o Sertipiko ng Pagiging Nararapat sa Katayuan ng Paninirahan

Ang aplikasyon ay maaaring gawin mula sa tatlong buwan bago ang pagtatapos ng panahon ng paninirahan mo. Kapag inaprubahan ang aplikasyon, may sisingiling 4,000 yen. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring kontakin ang Nagoya Regional Immigration Bureau o Immigration Information Center.

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION