TOP > PHI-TOP > Mga Halimbawa sa Konsultasyon > Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay  Internasyonal na palitan
Pagtatrabaho Mga buwis Insurance / Mga Pension Medikal na Pangangalaga / Kapakanan Pabahay
Kasal / Diborsiyo Panganganak Edukasyon Pagmamaneho Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Naghahanap ako ng ospital na naghahandog ng maramihang-wikang medikal na serbisyo.

Ang Aichi Medical Information Network (https://iryojoho.pref.aichi.jp/) ay nagbibigay ng impormasyon sa mga ospital, klinika, dental na klinika, parmasya, sentro ng komadrona at ibang medikal na institusyon sa Aichi na naghahandog ng maramihang-wikang sentro.

Pang-emerhensiyang Medikal na Gabay ng Aichi (http://www.qq.pref.aichi.jp/) nagbibigay ng impormasyon sa mga pang-emerhensiyang medikal na institusyon sa Aichi a naghahandog ng maramihang-wikang serbisyo. Naghahandog din ito ng automated na boses at fax na gabay sa limang wika (TEL: 050-5810-5884).

Medikal na pagsasaling-wikang Sistema ng Aichi (http://www.aichi-iryou-tsuyaku-system.com/) nagpapadala ng mga medikal na tagapagsaling-wika sa mga kapartner na ospital at nagbibigay din ng serbisyong interpretasyon sa telepono. Mangyaring kontakin ang ospital mo para makita kung may maipapadalang tagapagsaling-wika. May singil ang serbisyo.

Bumalik sa tuktok

Mayroon bang anumang mga organisasyon na nagbibigay ng maramihang wikang medikal na konsultasyon sa telepono?

Ang Medikal na Impormasyon ng AMDA (https://www.amdamedicalcenter.com/) ay nagbibigay ng iba’t ibang medikal na impormasyon sa telepono.

AMDA Sentro ng Medikal na Impormasyon sa Tokyo
TEL: 03-6233-9266
Wika: Madaling Hapon (Lunes–Biyernes)
Oras: 10:00–15:00

Mga ibang organisasyong nagbibigay ng mga medikal na konsultasyon

Sntro ng Impormayon sa HIV at Mga Karapatang Pantao sa Tokyo
TEL: 03-5259-0256
Wika: Ingles (Ika-1 Sabado)
Oras: 12:00 PM–15:00

NPO Serviço de Assistência aos Brasileiros no Japão (SABJA) – Pangkalusugang Konsultasyon

TEL: 050-6861-6400
Wika: Portuges (Lunes–Sabado)
Oras: 9:00–16:00 (pagpapareserba), 9:00–20:00 (konsultasyon)

Bumalik sa tuktok

Nahihirapan akong bayaran ang aking mga medikal na gastos. Mayroon bang anumang mga allowance?

Kung ang bahagi mo ng mga medikal na gastos (pangangalagang medikal at gastos sa gamot) ay lagpas sa partikular na halaga, maaari kang mag-apply para sa refund ng lagpas na halaga.

Kung nasasaklawan ka ng Pambansang Pangkalusugang Insurance, mangyaring kontakin ang Seksiyon ng Pambansang Pangkalusugang Insurance ng inyong munisipal na tanggapan. Kung nasasaklawan ka ng Social Insurance, mangyaring kontakin ang inyong kompanya o ang Japan Health Insurance Association (Kyokai Kenpo).

Bumalik sa tuktok

Narinig ko na may mga allowance para sa mga pamilyang may mga anak.

Kung may anak ka, maaari kang makatanggap ng Allowance sa Anak hanggang sa unang Marso 31 makalipas ang ika-15 kaarawan ng anak. May limitasyon sa kita sa allowance. Ang mga bata na walang address sa Japan ay hindi nararapat. Ang buwanang allowance ay 15,000 yen hanggang sa buwan ng araw bago ang ika-tatlong kaarawan ng bata at 10,000 yen makalipas. (Kung mayroon kang tatlo o mas marami pang anak na mas bata sa 18, maaari kang makatanggap ng 15,000 yen bawat buwan para sa ikatlong karagdagang anak hanggang sa unang Marso 31 makalipas ang ika-12 kaarawan ng bawat anak.) Ang allowance ay babayaran tuwing Biyernes, Hunyo at Oktubre sa mga nakaraang buwan. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang Seksiyon ng Kapakanan ng Bata ng inyong tanggapang munisipal.

Bumalik sa tuktok

Paano ako makakakuha ng Sertipiko sa Kapansanan? What can I do?

Kung may kapansanan kang tinukoy ng mga batas (kapansanang kaugnay ng paningin, pagdinig, balanse, pananalita/wika, biyas, atbp.), makakakuha ka ng Sertipiko sa Kapansanan at makakatanggap ng serbisyong katulong sa bahay, rehabilitasyong medikal, iba’t ibang allowance, exemption sa buwis, diskuwento sa pamasahe para sa pampublikong transportasyon, atbp., depende sa llebel ng kapansanan mo.

Maaari kang mag-apply para dito sa Seksiyon ng Kapakanan ng Kapansanan sa inyong tanggapang munisipal.

Ang mga sumusunod na dokumento ay kailangan para sa aplikasyon.Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Aplikasyon para sa Pagbibigay ng Sertipiko sa Kapansanan
  2. Medikal na sertipiko na binigay ng designadong doktor
  3. 1 litrato (itaas na katawan, W 3 cm x H 4 cm)
  4. Seal (o nakasulat-kamay na lagda)
  5. ID (Lisensiya sa Pagmamaneho, Pambansang Card ng Pangkalusugang Insurance, Card ng Paninirahan, atbp.)

Bumalik sa tuktok

Maaari bang tumanggap ang banyagang nasyonal ng pampublikong tulong? Can a foreigner be a recipient?

Para makatanggap ng pampublikong tulong, ang katayuan sa paninirahan mo ay dapat isa sa sumusunod:

Permanenteng Paninirahan, Asawa o Anak ng Hapong Nasyonal, Asawa o Anak ng Permanenteng Residente o Pangmatagalang Residente. Kaag nag-apply ka para sa pampublikong tulong, ang kita ng sambahayan mo at ari-arian ay susuriin. Kunjg ang pagiging nararapat mo ay inaprubahan ayon sa mga pambansang pamantayan, makakatanggap ka ng sulong sa pamumuhay, atbp.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang welfare commissioner sa munisipalidad niyo o tanggapang munisipalidad.

Bumalik sa tuktok

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION