TOP > PHI-TOP > Mga Halimbawa sa Konsultasyon > Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay  Internasyonal na palitan
Pagtatrabaho Mga buwis Insurance / Mga Pension Medikal na Pangangalaga / Kapakanan Pabahay
Kasal / Diborsiyo Panganganak Edukasyon Pagmamaneho Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Ano ang mga inaatas at pamamaraan para sumali sa Programang Pambansang Pangkalusugang Insurance?

Dapat kang sumali sa Programang Pambansang Pangkalusugang Insurance kung natutugunan mo ang mga sumusunod na pangangailangan.

  1. Nakarehistro ka bilang residente.
  2. Nakatira ka sa Japan ng mahigit sa tatlong buwan.
  3. Hindi ka nararapat sa ibang pampublikong medikal na insurance tulad ng pangkalusugang insurance.

Mangyaring mag-apply para dito sa Seksiyon ng Pambansang Pangkalusugang Insurance sa inyong tanggapang munisipal. Kailangan niyong dalhin ang inyong Card ng Paninirahan at seal. Iba-iba ang mga kailangang dokumento ayon sa dahilan sa pagsali sa programa. Mangyaring kontakin ang makabuluhang seksiyon bago pa man.

Kung sumasali din sa programa ang mga miyembro ng pamilya mo, kailangan mong dalhin ang kanilang Mga Card ng Paninirahan. Ang halaga ng kontribusyon ay iba-iba ayon sa munisipalidad. Mangyaring magtanong sa inyong munisipal na tanggapan.

Bumalik sa tuktok

Ang premium para sa Pensiyon na Insurance ng Mga Empleyado ay ikakaltas mula sa sahod ko bawat buwan; obligatoryo ba ito? Do I have to subscribe to an employees' pension plan?

Lahat ng pangnegosyong establisimiyento (mga kompanya, pabrika, tanggapan, atbp.) na may lima o higit pang full-time na empleyado ay dapat sumali sa Pensiyong Insurance ng Mga Empleyado ayon sa batas.

Para din ito sa mga banyagang trabahador. Ang pamamaraan at pagbabayad ng mga premium ay gagawin ng kompanya mo.

Bumalik sa tuktok

Malapit na akong bumalik sa bansa ko. Narinig ko na ang bahagi ng kontribusyon ko sa pensiyon na binayaran sa pananatili ko sa Japan ay ire-refund. Paano ako makakakuha ng mga refund?

Kung natupad mo ang mga sumusunod na kondisyon, maaari kang mag-aplay para sa pagbabayad sa pag-withdraw ng lump-sum sa loob ng dalawang taon matapos ang petsa ng paglipat (naka-iskedyul) sa iyong sertipiko ng paninirahan.

  1. Hindi ka Hapon.
  2. Nasaklawan ka sa ilalim ng Pambansang Pensiyon bilang Kategorya 1 na naka-insure na tao ng anim nba buwan o higit pa (kinalkula sa pagdagdag ng dami ng buwan na binayaran mo ang buong kontribusyon, 3/4 ng dami ng buwan na na-exempt ka sa 1/4 ng kontribusyon, 1/2 ng bilang ng buwan na na-exempt ka sa 1/2 ng kontribusyon, at 1/4 ng bilang ng buwan na na-exempt ka sa 3/4 ng kontribusyon). O, nasaklawan ka sa ilalim ng Pensiyon na Insurance ng Mga Empleyado ng anim na buwan o higit pa.
  3. Wala ka nang address sa Japan.
  4. Hindi ka kailanman naging nararapat sa Japanese na pampublikong benepisyo (kasama ang Allowance sa Kapansanan).

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang website Japan Pension Service. (https://www.nenkin.go.jp/service/jukyu/sonota-kyufu/dattai-ichiji/20150406.html) Maaari mong i-download ang form ng aplikasyon din doon.

Bumalik sa tuktok

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION