TOP > PHI-TOP > Mga Halimbawa sa Konsultasyon > Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay  Internasyonal na palitan
Pagtatrabaho Mga buwis Insurance / Mga Pension Medikal na Pangangalaga / Kapakanan Pabahay
Kasal / Diborsiyo Panganganak Edukasyon Pagmamaneho Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Maaari ba akong tumira sa prefectural na pabahay?

Maaari kang tumira sa prefectural na pabahay kung napunan mo ang mga sumusunod na kundisyon.

  1. Mayroon kang address o nagtatrabaho sa Aichi Prefecture.
  2. May mga miyembro ka ng pamilyang nakatira kasama mo.
  3. Nagbibigay ka ng malinaw na katibayan na nahihirapan kang makahanap ng pabahay.
  4. Natugunan mo ang pamantayan ng kita na tinukoy ng Housing Supply Corporation.

Bilang dagdag sa itaas, ang katayuan sa paninirahan mo ay dapat isa sa sumusunod.

  1. Permanenteng Residente, o Asawa o Anak ng Permanenteng Residente
  2. Mga Espesyal na Permanenteng Residente
  3. Asawa o Anak ng Hapong Nasyonal
  4. Pangmatagalang Residente

Ang pagkabakante ay pangunahing inaanunsiyo sa mga diyaryo, radyo, munisipal na newsletter at serbisyong telepono (TEL: 052-971-4118). Mangyaring kumuha ng form ng aplikasyon sa mga designadong lugar (tanggapan ng pamamahala sa nauukol na pabahay, tanggapan ng munisipyo (maliban sa City Hall ng Nagoya), atbp.) at isumite ito sa panahon ng aplikasyon.

Pakitandaan na ang lugar ng pagsumite ng aplikasyon ay iba-iba ayon sa lokasyon ng pabahay.

Para sa higit pang impormasyon, mangyaring kontakin ang Prefectural Housing Supply Corporation (TEL: 052-954-1362, Lunes–Biyernes 9:00–17:00) o sa tanggapan ng tagapamahala ng nauukol na pabahay.

Bumalik sa tuktok

Anong mga dokumento ang kailangan ko para mag-apply para sa prefectural na pabahay? What documents should I prepare?

Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.

  1. Aplikasyon sa Prefectural na Pabahay
  2. Sertipiko ng Mga Usapin sa Mga Talaan ng Pagpaparehistro ng Alien para sa lahat ng mga miyembro ng tahanan
  3. Mga kopya ng parehong panig ng Mga Talaan ng Pagpaparehistro ng Alien para sa lahat ng mga miyembro ng tahanan
  4. Pinakabagong Sertipiko ng Kita na ibinigay ng namumuno sa munisipalidad niyo (kung may kita ka)
  5. Pinakabagong Sertipiko ng Kita na ibinigay ng namumuno sa munisipalidad niyo (kung may kita ka)
  6. Kopya ng kasunduan sa pag-upa o sertipiko ng binayad na upa (kung kasalukuyan kang umuupa sa apartment o bahay)

Para sa higit pang impormasyon, mangyaring kontakin ang Prefectural Housing Supply Corporation (TEL: 052-954-1362, Lunes–Biyernes 9:00–17:00) o sa tanggapan ng tagapamahala ng nauukol na pabahay.

Bumalik sa tuktok

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION