Imigrasyon | Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay | Internasyonal na palitan |
Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise
Maraming nakakahawang sakit na hindi kilala sa Japan. Kulang sa imunidad ang mga taong Hapon sa mga sakit na ito, kaya dapat kang magpabakuna bago pa man depende sa destinasyon mo.
Para pumasok sa mga bansa na ang mga naka-quarantine na nakakahawang sakit tulad ng kolera, plague at yellow fever ay kilala, maaaring atasan kang magpakita ng International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (Yellow Card).
Ang mga kaso ng kolera ay madala sa Southeast Asia at Africa, ang mga kaso g plague sa Southeast Asia, Africa at South America, at mga kaso ng yellow fever sa Central at South America at Africa. Kung pupuntak ka sa mga lugar na ito dapat kang magpabakuna.
Ang klase ng pagbabakuna ay iba-iba ayon sa destinasyon o panahon, kaya mangyaring kontakin ang embahadya ng bansa kung saan ka bibisita. Maaari mo ring kontakin ang Quarantine at Hygiene na Seksiyon ng Nagoya Quarantine Station para magtanong tungkol sa pagpapabakuna at pang-ibayong dagat na medikal na impormasyon.
Ang Ministro ng Banyagang Usapin ng Japan ay nagbibigay ng impormasyon sa mga krimen at kaligtasan sa buong mundo.
Maaari kang mag-apply para sa internasyonal na lisensiya sa pagmamaneho at mapabigay ito sa parehong araw sa Sentro ng Eksaminasyon sa Lisensiya sa Pagmamaneho o sa Sentro ng Lisensiya sa Pagmamaneho ng Higashi-Mikawa. Maaari ka ring mag-apply para dito sa Istasyon ng Pulis ng Nakamura pero aabutin ito ng mga 16 araw hanggang maibigay ang lisensiya.
Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.
Ang internasyonal na lisensiya sa pagmamaneho at balido ng isang taon mula sa petsa ng pagbigay.
Kapag napaso ang iyong lisensiya sa pagmamaneho sa pananatili mo sa ibayong dagat, maaari mong eksepsiyonal na i-renew ang iyong lisensiya sa pagmamaneho at mag-apply para sa internasyonal na lisensiya sa pagmamaneho. Kung nananatili ka sa ibayong dagat nang mahigit sa isang taon, maaaring atasan kang kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho para sa bansang iyon.