Mga Halimbawa sa Konsultasyon


Imigrasyon Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay Internasyonal na palitan
Pag-renew ng panahon ng pananatili Pagpalit ng katayuan ng tirahan Pasaporte Card ng Paninirahan Pansamantalang pagbalik
Permanenteng paninirahan Naturalisasyon

Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise

Ano ang mga inaatas sa naturalisasyon?

Ang mga banyagang nasyonal ay maaaring makakuha ng Japanese na pagkamamamayan sa pamamagitan ng naturalisasyon.

Ang mga pangkalahatang kailangan sa naturalisasyon ay ang sumusunod.

  1. Mayroon kang address sa Japan na patuloy sa limang taon o higit pa.
  2. Ikaw ay 20 taong gulang o mas matanda at may buong kapasidad na kumilos ayon sa batas ng inyong tahanang bansa.
  3. Mabuti ang asal mo.
  4. Napapanatili mo ang kabuhayan ayon sa sarili mong pinansiyal na ari-arian o kakayahan o ng asawa o kamag-anak mo na pinananatili mo ang kabuhayan.
  5. Wala kang nasyonalidad o payag kang isurender ang kasalukuyang nasyonalidad para makuha ang Japanese na nasyonalidad.
  6. Hindi ka kailanman nagbalak o inadbokasya, o bumuo o sumali sa partidong pulitikal o ibang organisasyon na nagbalak o nag-adbokasyong pabagsakin ang Konstitusyon ng Japan o Pamahalaang umiiral sa ilalim nito.

Kung mayroon kang asawang Japanese, ang unang kundisyon ay luluwaganl kailangan mong patuloy na magkaroon ng address sa Japan nang tatlong taon.

Kung tatlong taon o higit ka nang kasal, ang pagkakaroon ng address sa Japan nang patuloy sa isang taon ay sapat na.

Para sa higit pang impormasyon, mangyaring tumawag sa Seksiyon ng Nasyonalidad ng Burueau ng Mga Legal na Usapin (052-952-8073). Para sa konsultasyon, kailangan ang pagpapareserba.

Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION