Imigrasyon | Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay | Internasyonal na palitan |
Pag-renew ng panahon ng pananatili | Pagpalit ng katayuan ng tirahan | Pasaporte | Card ng Paninirahan | Pansamantalang pagbalik |
Permanenteng paninirahan | Naturalisasyon |
Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise
Kung gusto mong pumunta sa bansa mo o ikatlong bansa nang pansamantala sa pinahihintulutang panahon ng pananatili at bumalik sa Japan para sa parehong layunin nna pinahintulutan sa ilalim ng kasalukuyan mong katayuan ng paninirahan, kailangan mong kumuha ng pahintulot sa muling pagpasok sa rehiyonal na imigrasyong bureau bago umalis sa Japan.
Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.
Kung ang natitira mong panahon ng pananatili ay wala nang tatlong taon, ang pahintulot sa muling pagpasok ay balido sa panahon ng pananatiling iyon.
Simula sa Hulyo 9, 2012, ang pahintulot sa muling pagpasok ay hindi na kailangan para sa mga banyagang nasyonal na may balidong pasaporte at Card ng Paninirahan (para sa mga espesyal na permanenteng residente, Card ng Espesyal na Permanenteng Residente) na muling papasok sa Japan sa loob ng isang taon (para sa mga espesyal na permanenteng residente, dalawang taon) mula sa petsa ng pag-alis. Subalit, ang pagiging balido ng espesyal na pahintulot sa muling pagpasok ay hindi mae-extend sa ibayong dagat at ang muling pagpasok matapos ang kasalukuyang panahon ng pananatili ay hindi pinahihintulutan.