Imigrasyon | Impormasyon sa pang-araw-araw na buhay | Internasyonal na palitan |
Pag-renew ng panahon ng pananatili | Pagpalit ng katayuan ng tirahan | Pasaporte | Card ng Paninirahan | Pansamantalang pagbalik |
Permanenteng paninirahan | Naturalisasyon |
Listahan ng mga makabuluhang organisasyon / Bumalik sa indise
Ang sistemna sa pamamahala ng tirahan ay tumatarget sa gitna- at pangmatagalang banyagang residente. Ang sistemna sa pamamahala ng tirahan ay tumatarget sa gitna- at pangmatagalang banyagang residente.
Magbibigay ng Landing Permission sa pasaporte mo sa port ng pagpasok. Kung ikaw ay maging gitna- o pangmatagalang residente ng Landing Permission, bibigyan ka ng Card ng Paninirahan. Ang Card ng Paninirahan ay binibigay sa Narita Airport, Haneda Airport, Chubu Airport, Kansai Airport, Shin-Chitose Airport, Hiroshima Airport o Fukuoka Airport. Kung gumamit ka ng port ng pagpasok maliban sa nakalista sa itaas, ang Card ng Paninirahan ay ipapadala sa iyo matapos mong isumite ang Aibiso ng Paninirahan sa lokal na opisina ng munisipyo.
Kung umaalis ka sa kasalukuyan mong munisipalidad papunta sa ibang munisipalidad o bansa, kailangan mong magsumite ng Pag-alis na Abiso at Paglipat na Abiso bilang naaayon sa kasalukuyan mo at bagong munisipalidad. Ang Pag-alis na Abiso ay maaaring masumite sa kasalukuyan mong munisipalidad mula 14 na araw bago ang petsa ng pag-alis. Ang kasalukuyan mong munisipalidad ay magbibigay ng Pag-alis na Sertipiko, kaya kailangan mong isumite ito sa bago mong munisipalidad sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng paglipat. Kung umaalis ka sa loob ng parehong munisipalidad, kailangan mong magsumite ng Paglipat na Abiso sa munisipalidad mo sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng paglipat. Ang bago mong address ay ipi-print sa likod ng Card ng Paninirahan matapos kang magsumite ng Abiso sa Paglipat sa tanggapan ng bago mong munisipalidad.
Kapag nawala mo ang iyong Card ng Paninirahan, dapat mong iulat ang pagkawala/pagnanakap sa pulis at mag-apply para sa muling pagbibigay nito sa rehiyonal na imigrasyong bureau sa loob ng 14 na araw. Kailangan mo ring mag-apply para sa muling pagbibigay kapag ang iyong Card ng Paninirahan ay halatang nasira. Ang muling pagbibigay para sa mga dahilan sa itaas ay walang singil. Ang muling pagbibigay para sa mga ibang dahilan ay nagkakahalaga ng 1,000 yen.
Ang mga kailangang dokumento ay ang sumusunod.