TOP > PHI-TOP > Mga Specialized na Konsultasyon para sa Mga Banyagang Residente
Nagbibigay na kami ngayon ng specialized na konsultasyon
para sa mga banyagang residente

sa Aichi, sa pakikipagtulungan sa Nagoya Regional Immigration Bureau at Aichi Labour Bureau!

imahe ng konsultasyonNagbibigay kami ng mga konsultasyon, impormasyon at suporta sa mga banyagang residente sa Maramihang Kulturang Sentro ng Aichi, na nasa unang palapag ng Sannomaru Annex Building ng Aichi Prefectural Government.
Kasunod ng rebisyon ng Immigration Control and Refugee Recognition Act noong Abril 2019, dumarami ang bilang ng mga banyagang tao ang inaasahang magtrabaho o manirahan sa Aichi Prefecture. Samakatuwid ay nagsimula kaming maghandog ng mga specialized na konsultasyon para sa imigrasyon at mga isyun na kaugnay ng pagtatrabaho noong Nobyembre 2019, sa pakikipagtulungan sa Nagoya Regional Immigration Bureau at Aichi Labor Bureau. Noong Enero 2020, nagsimula din kami ng mga specialized na konsultasyon para sa mga usaping pangmamimili.

 

1. Kabuuang pananaw ng konsultasyon

(1) Nilalaman: Mga specialized na konsultasyon para sa mga banyagang residente sa Maramihang Kulturang Sentro ng Aichi

(2) Nag-oorganisang katawan: Aichi International Association

(3) Pakikipagtulungan: Nagoya Regional Immigration Bureau, Aichi Labour Bureau, Aichi Prefecture

(4) Petsa at oras:

  1. Imigrasyon: Ika-3 Miyerkulas bawat buwan 13:00–17:00 Maaari kang kumonsulta sa kawani ng Nagoya Regional Immigration Bureau.
  2. Pagtatrabaho: Ika-2 Lunes bawat buwan 13:00–17:00 Maaari kang kumonsulta sa kawani ng Aichi Labour Bureau.
  3. Mga usaping pangmamimili: Ika-4 na Lunes bawat buwan 13:00–16:30 Maaari kang kumonsulta sa mga tagapagpayo ng usaping pangmamimili ng Aichi Prefectural Government.

* Para sa imigrasyon at pagtatrabaho: Kung ang naka-iskedyul na petsa ay nasa holiday, gagawin ang mga konsultasyon sa parehong araw sa susunod na linggo.
* Mga usaping pangmamimili: Kung ang naka-iskedyul na petsa ay nasa holiday, gagawin ang mga konsultasyon sa susunod na araw (ika-4 na Martes).

(5) Lugar: Aichi Multicultural Center, Aichi International Plaza

(6) Paraan ng konsultasyon:

  1. Kailangan ng pagpapareserba. Unang dumating, unang pagsisilbihan.
  2. Magagamit ng hanggang 4 na pangkat bawat araw.
  3. Magkakaroon ka ng harapang konsultasyon sa dalubhasang consultant.

(7) Wika:

Portuges, Espanyol, Ingles, Tsino, Filipino/Tagalog, Vietnamese,
Nepalese, Indonesian, Thai, Koreyano, Burmese, Russian, Ukrainian, Hapon (14 wika sa kabuuan)

*I-download ang flyer dito → Specialized na konsultasyong flyer (PDF)

2. Paano magpareserba

Pakitawagan kami at magsabi sa amin ng buod ng isyu mo (imigrasyon / pagtatrabaho / mga usaping pangmamimili) at ang petsa at oras na napili mo.
Nilalayon ang serbisyong ito para sa mga banyagang residente sa Aichi. Subalit, kung may magagamit na spot nang isang linggo bago ito, tumatanggap din kami ng pagpapareserba mula sa mga taong Hapon na nakugnay sa paghahandog ng mga konsultasyon at suporta sa mga banyaga. Pakikontakin kami para sa higit pang impormasyon.

3. Pagpapareserba at kontak

052-961-7902 (Aichi Multicultural Center)

4. Iskedyul

Tingnan ang kalendaryo dito.



Atrás
Aichi International Association
Sannomaru Annex Building,
Aichi Prefectural Government, 2-6-1,
Sannomaru, Naka-ku, Nagoya 460-0001
TEL: 052-961-8744 / E-mail: somu*aia.pref.aichi.jp (Pakipalitan ang asterisk (*) ng @)
| Kontak | Sitemap
(C)2011 AICHI INTERNATIONAL ASSOCIATION